Saturday, July 10, 2010
Ang Pagpaparehistro sa 34th National MILO Marathon
Malayo pa lang ang 34th National MILO marathon ay napagkasunduan na naming magbabarkada ang pagsali sa nasabing patimpalak.June 19, 2010 ganap na alas dyis ng umaga ang nakatakdang oras para sa aming pagkikita.Habang nasa biyahe ako papuntang s.m north ay panay na ang txt nila sa akin kung nasan na daw ako.Sa kakahintay nila sa akin ay nauna na silang nagparehistro..Ganap na 11:00 am na ng makarating ako sa nasabing lugar na aming pagkikitaan,hindi ko kasi alam yong " the block" sa S.M north Edsa.Mabuti na lang at naka-abot pa ko sa pagparehistro.Pagkatapos naming magparehistro ,napagkasunduan ng barakada na kumain na muna kami ng lunch sa karate kid. Nagtanong ako sa gwardya kung saan young karate kid "manong san po yong karate kid?" Sagot ng gwardya "ano yon?" tnt sa gwardya...bopols pala yong napagtanungan namin.Ikot kami ng ikot,hndi talaga namin makita at muli kaming nagtanong "maong san po yong karate kid?" "dun yun sa dulo sa my annex" Malayo lyo din ang aming inikot,at ng makarating kami sa my annex eh wala naman palang karate kid doon kundi tokyo tokyo.Hndi pa din kami mapakali,ikot,sakay ng escalator pataas,pababa,pero wala talaga hanggang sa napagkasunduan na lng namin na sa PIzza hut na lng kami kumain.Pagkatapos namin kumain,nagkanya kanya na kami ng desisyon na umuwi na lng,kasabay ko si jay jay at marco pauwi habang si jin naman ay umuwi na din.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment