Saturday, January 22, 2011
Monday, January 10, 2011
Makalipas Ang Nagdaang Taon Ng Mga Tigre.
Makalipas ang nagdaang taon ng mga tigre,panibago na namang hamon sa aking buhay ang aking haharapin ngayong taon ng mga Kuneho.Marami ring magagandang nangyari sa aking buhay nitong nagdaang taon ng mga tigre.Mas lalo pa akong nagkaroon ng pananaw sa aking buhay ng dahil sa aking mga kaibigan bukod pa sa aking pamilya.Marami kasi akong nalaman at natutunan sa kanila.(Ewan ko lang kung may natutunan din sila s akin).Bahagi na sila ng buhay ko,bawat galaw at kilos ay ipinapaalam namin sa bawat isa.Higit pa sa magkakapatid ang aming turingan.Nakilala nila ang kaibigan ko ipinakilala din nila sa akin ang kanilang mga kaibigan.May problema man ako sa aking tatay ay pianapawi nila ang aking kalungkutan sa bawat oras na iniisip mo kung paano sya gagaling.(Hndi nila ito napapansin,sa pagkat nakilala nila akong masayahin na tao).itutuloy
Muling nagkita kita,makalipas ang ilang taon (Kamag aaral sa Mataas na Paaralan ng Lusacan)
Matagal tagal din ang panahon na aking iginugol para lang magkaron kami ng komunikasyaon sa bawat isa sa amin upang matuloy ang aming isasagawang muling pagkikita kita naming mga mag kakamag aral nitong nakalipas na ika 1 ng Enero taong 2011.Bago pa man ito maganap ay inisa isa ko silang hanapin at kausapin para malaman ang availability ng bawat isa sa amin.Karamihan kasisa amin mag kakaklasi ay may mga kanya kanya ng trabaho at yong iba naman ay may pasok na kaagad sa kanilang trabaho.Sa puntong iyon ay naayos kodin ang lahat at sa akin silang lahat nag aupdate kung sino sino na ang mga kompirmadong dadalo.Bawat isa sa amin ay may kanya kanyang suhestyon.Mag contribution,bring own foods at iseparate ang contribution para sa alak.Hindi rin madali para sa akin ang gaganapin na ito.(ako lang kasi ang inaasahan nila sa lahat lahat ng hakbang na dapat kong gawin at sumusunod naman sila sa bawat desisyon ko).Eenero 01, 2011 ay maaga akong nagising para sa preparasyon ng aming pagkikita -kitang muli.Namalengke ako kasama syempre ang aking nagpipitagang ilaw ng tahanan(ang aking pinakakamamahal at walang katulad na ina).Pag katapos makapamalengke ay umidlip ng 1ng oras.Pagkagising ko naman ay nakahanda na ang lahat ng aking mga inihandang pagkain para sa aking mga kakaklasi.(mabilis silang nakakapagluto).Agad akong naligo at pagkatapos maligo ay hindi na magkamayaw sa pagtetext.Panay ang text at tawag ng aking mga kakaklasi.Inayos ko kaagad ang pagdarausan ng aming pagkikita-kitang muli,inilibas ang videoke at inilagay ang cover ng lamesa.Pagkatapos kong maayos ang kobre de lamesa ay inuutos ko naman sa aking kapatid na kuhanin na ang mag upuan ng may biglang dumating na isa sa aking mga clasmate at hinanap kaagad ako.Agad ko naman syang inentertain.Habang nag uusap kami ay niyaya nya ako na puntahan at sunduin ang isa pa naming clasmate at pumayag naman kaagad ako."Nay sunduin lang po namin ni christian si jun" paalam ng aking classMga mate.Nang papalabas na kami ng subdivision ay tiempo namang paparating na ang isang pulutong ng aming mga clasmates at hindi na kami natuloy.Agad na din kaming bumalik sa aming pagdarausan at ng makarating kaming lahat doon ay kanya kanya ng kwento ng mga update sa mga buhay-buhay.At abala naman ako sa paghahanda ng iba pang mga pagkain..Matapos kong maihanada ang mga pagkain ay pumuwesto na din ako sa aking upuan.Kwento dito kwento doon,tanong dito tanong doon hanbang patuloy naman sa pagdating ang iba.Agad ko ding binuksyan ang alak at sabik na sabik na silang maglaklak.Noong nasa kalagitnaan na ang laman ng bote ay naiicipan nilang patagayin ang isa sa aming classmate na hindi pala sanay mag inum.Pagkaabot ng tagay ay ininum nya ito at ibunuga.(ginawang pangmumog ang alak).Nagtawanan silang lahat.Yon ang part na hindi maka get over ang lahat. Kahit ako hindi din makalimot sa eksenang iyon.Habang nagaganap ang nasabing pagtitipon ay panay naman ang paputok ng kwitis ng mga classmates ko at may nagdala pa ng litson manok.Ganap na alas nuve ynmedia ng gabi ay biglang dumating ang nanay ng isa sa amin at sinusundona pala siya.Sa puntong iyon ay ayaw pa niyang sumama pauwe at bigla na lamang itong umiyak.(nagiyakan at nagyakapan kaming lahat at pati yong nanay nya ay umiyak na din).Sa naganap na iyakan ay parte iyon ng kasiyahan at may halo din ng kalungkutan sa kadahilanang mawawalay sa kaagad sa sandaling panahon na kanyang inilaan sa bawat isa sa amin.Tuloy pa rin ang kwentuhan,kantahan at inuman,syempre hindi mwawala ng pagpipicture.(ilan din kasi sa mga clasmate ko ay may dalang mga digicamera.Alas dose empunto ay nagkanya kanya na ng paalam ang mga binibini kong kamag aaral at hindi naman sila pinabayaan ng mga maginoong ko ding kamag aaral.Isa-isa silang inihatid sa kani-kanilang tahanan at mayroon pang nag joyride sa kabila na ang iba ay nakatagay na.(takot na takot ang aking ina,baka daw kasi maaksidente kasi mga nakaiinum na).Thank you naman kay god at ginabayan naman sila sa kanilang paguwi.Ng makabalik na ang lahat ng naghatid ay nagtuloy tuloy na kaming mga lalaki sa pag iinum.Kwentuhan na naman ng mga nakakatawang eksena at nakaraan noong mga estudyante pa kami.May kanya kanyang kwento ang bawat isa sa amin.Mayroong nahulog sa puno ng niyog,may umutot sa clas room at kung ano-ano pa.Sa kasarapan ng aming kwento ay hindi namin namalayan na wala na pala kaming inumin at agad namang bumunot si"Rolan" ng pera para bumili ng alak.Galante pala ito kapag nakainum na at ang pinabili ay 3 case na Pulang Kabayo.Natuwa naman ang lahat at makakapagbanlaw daw.Karamihan sa kanila ay mga walang trabaho,mayroon man eh hindi rin sapat ang kanilang mga kinikita.Habang papalapit na ang bukang liwayway ay kung ano-ano na ang naiisip ng bawat isa sa amin.May nagpapa conduct ng swimming,mayroon naman nag iinvite ng aatend ng birthday at may nag iinvite sa kasal.Pag sapit ng alas 5 ng umaga ay nag hiwahiwalay na kami at nag kanya kanya na namang suhestiyon sa susunod na pagtitipon-tipon.
Subscribe to:
Posts (Atom)
