Wednesday, June 30, 2010

Ang Pagbabalik ng Maynila

June 06, 2010,maaga kaming gumising para sa paghahanda sa aming pagluwas pabalik ng maynila.Nag almusal,at sabay sabay na naman kaming naligo sa aming poso,ewan ko ba dito kay jin kung bakit ayaw sumabay sa amin sa pagligo sa poso.Ayaw ciguro ipakita ang kanyang bilbil.Pagkatapos maligo syempre sabay sabay din kaming nagbihis at nag empake ng aming mga gamit,habang nagbibihis,kwentuhan na naman ng mga nakakatawng bagay bagay.Ng makapg empake na kami naming mga bagahe eh nag picture taking na naman kami,nakaugalian na yata namin ang magpalitrato at agad naman kaming inasestehan ng aking tiyo sa camera.Right after the litratuhan,ay kinuha na namin ang aming mga gamit at nagpaalam na sa aking mga magulang at at tiyo.Naglakad hanggagng makatawid at mag abang ng bus paluwas ng maynila.Agad naman kaming nakasakay (LRT Taft Buendia).Umupo,inayos ang mga gamit at nagbayad ng fair.Habang naglalakbay kami patungong maynila eh masaya naming binalikan tingnan ang mag larawan.San Pablo,Alaminos,Sto. Tomas Turbina. Yan ang mga bayang aming dinaanan at pagdating ng turbina eh malungkot na bumaba si jayjay,matagal na kc ulit bago kami magkita at magkasama sama bye jayjay ingat ka...txt txt na lang...sambit ng bawat isa.Ng makarating ang bawat isa sa kanya kanyang bahay,natulog,nagpahing at pumasok sa trabaho.

Wednesday, June 23, 2010

June 05, 2010 (Kamay ni Jesus Lucban Quezon)

Bago kami matulog,napag usapan namin na 6 oclock kami gigicing para nga sa pagpunta sa lucban.Napasarap ang aming tulog,kasi anong oras na din kasi kami nakatuog,kakawento ng mga kung ano anong mga bagay na nakakatawa.Alas siyete na kami nagising,Naghanda si nanay ng almusal,kumain,uminom ng kape at saby sabay na kaming naligo sa aming poso.
Pagkatapos maligo syempre sabay sabay din kami nagbihis,inayos ko pa ang buhok ng malanding jay,hndi marunong maglagay ng wax sa sarili nyang buhok,tnt!!!Noong nakabihis na kaming lahat,syempre sabay saby din kaming nagsapatos at sa mga puntong yon,pinahiram ko ng sapatos si jay,tnt natanggal ang swelas,haha...Pinahiram naman sya ng aking kapatid,wow parang maglalaro lng sa liga ng basketball,habang abala sa pagsasapatos ang laht,eh panay nman ang kulit ng aking bunsong kapatid na si "utoy" bunso kasi sya kaya utoy.
Ayon 8:30 na kami nakaalis ng bahay,sumakay ng bus habang naglalakbay ay panay ang masid sa mga dinaraanan namin,syempre ako ganun din,hndi pa kc ako nakakrating ng lucban since birth.Bundok Banahaw,mga patay na ilog,yan ang mga natanaw namin habang kami ay naglalakbay papuntang lucban at syempre may halo pa din ng mga kakulitan namin,natural na sa amin ang aming kakulitan,hindi na un mawawala.
Pagkadating namin ng gulang-gulang,part na ito ng Lucena City,eh nagtanong-tanong kami kung san ba ang sakayan ng papuntang lucban,salamat naman at madali aga namin natunton ang terminal.Jeep ang sinakyan namin,papauntang Kamay ni Hesus,wala kasing fx or van sa luga na iyon.php 35.00 ang pamasahe,tsk..tsk..tsk...nagulat ako kasi ang mahal ng pamasahe,so it means malayo layo pa din ang aming lalakbayin.
At sa puntong iyon,punong puno na ang jip,kulang na lang sumabit na ung driver,hindi ako nakaupo ng maayos,salamat sa aking pinaka matalik na kaibigan at kinandong ako,tnt sa kandong,nangalay ako.Kumaliwa,kumanan,umahon,lumusong, yan ang way ng papuntang lucban.Malamig ang dinaraana,parang nasa tagaytay ang lamig.
At last nakarating din kami.Pag kababa namin ng jeep eh may sumalubong kaagad sa aming ale,inalok kaagad kami ng espasol at kandila,naawa naman ako,bumili na lng ako ng kandila at pinipilit nya kami bumili ng espasol habang nagtatanong kami ng lucban lonnganisa.Uminom ng coke sakto,pahinga ng konti,then pumasok na kami sa Kamay ni Hesus Church.
Nagpicture taking kaagad,at ng di inaasahan biglang bumuhus ang ulan,pero sabi ko sa kanila blessings un at tumigil din naman kaagad.Sarado pa ang Eden Garden,pero 30 mins pa daw after b4 bubuksan,sambit ng napagtanungan naming gwardya.Picture dito picture doon,ikot dito ikot doon,kanya kanyang pose ng pagpapacture.Ayon Binuksan na ang eden garden,at agad namin kaming nagsipasok duon,nagtulos ng kandila at nanalangin.
Umakyat na kami at syempre lahat ng magagandang views doon ay hindi namin pinaligtas.Solo,dalawan tatluhan.Hindi namin magawa ang lahatang pagpapalitrato.Salamat sa nakilala naming mag mommy at nagvolunteer sila na picturan daw kami,ayon feeling close kami,kwentuhan,tanungan kung san mga lupalop nanggaling.
Nang makarating kami sa pinaka tuktok ng Eden Garden,lalo kaming natuwa,kc sobrang ganda talaga ng tanawin at nakita namin ng malapitan ang pangatlo sa pinaka malaking rebulto sa buong mundo.Tnt sa mag mommy,panay ang pashot at ganun din naman kami.Bumaba na kami ng eden garden,at habang bumababa na kami picture pa din...Hindi ko alm na binibilang na pala ng aking matalik ng kaibigan ang mga hagdanan kung ilang baytang nga ba ang mga ito....Ang taas pala 288 baytang.Pagkalabas namin ng church ay namili naman kami ng mga pasalubong,lucban longganisa,pancit hab-hab atbp...
Biglang bumuhuos ang napakalakas na ulan,mabuti na lng at nakasakay na kami ng jeep.Napansin namin na butas pala ang bubong ng jeep,sobra kaming tawa ng tawa kasi pikon na si manong,natutuluan kasi sya.Nakarating din sa sakayan ng bus pauwi sa bahay habang bitbit namin ang mag binili naming pasalubong.Sumakay na kami ng bus,(manong baya oh 4 ho,estudyante) hehe tnt sa estudyante at un nga ang binigay na tiket ni manong,nakadiskwento kami,habang naglalakbay pauwi,bumili kami ng  espasol at tubig,syempre kwentuhan na naman ng mga masasayang ala-ala.Alas Alas 3 na kami nakarating ng bahay.
Dali dali kaming pinaghain ni nanay,at dali dali din naman kaming kumaen.Nagpalit kaagad kami ng damit at tumulak na papuntang "White House" or known as pulang lupa...Naglakad kami papuntang white house in just 20 mins nakarating na kami kaagad,malapit lng kc.Tiningnan ang mgagandang views,at syempre picture taking ulit.Pagkatapos namin sa white house ay tumulak naman kami sa aming pinaka bayan ang bayan ng "Tiaong" Nilibot namin ito at doon ko itinuro sa kanila ang Bahay ni Dona Tating.Pagkatapos ng mga sandaling iyon ay tumulak na kami pauwi pero naisipan kong dumaan sa mga ninuno ng aking ina kung saan siya pinanganak at lumaki.Nadatnan namin doon ang kanyang bunsong kapatid at tiya at agad naman kaming pinaghanda ng meryenda (pop cola at biscuit). Kumustahan at kwentuhan sandali kami ng aking tiyo.Pagkatapos namin magmeryenda ay daglian na kaming umuwi dahil na rinsa sobrang pagod namin.

Tuesday, June 8, 2010

Lakbayan (June 04-0, 2010) Province of Quezon

June 04, 2010,pag ka out ko sa work,n2log lng ako ng 3hours (3am-6am) gumising din ng 6am para magprepare.Naligo,nag ayos ng mga gamit ko at siyempre dinala ko ang aking red juice na hindi ko maintindihan ang lasa nun.At sa puntong yon,katext ko ang aking mga pinakamamahal na kaibigang sina jey,jin, at xiempre ang aking bestfriend na pasaway,si jayson.Exactly 7am umalis ako ng bahay,sumakay ng jeep,taft,paco,sta. ana(medyo traffic) weekend kasi,at bumaba ako ng taft avenue cor.pedrogil para sumakay ng lrt papuntang gil puyat station kung saan kami sasakay ng bus patungo sa aking bayang sinilangan.
Panay ang text nila kung nasan na daw ako,habang si jayson naman ay nasa taxi na ng mga oras na iyon. Nauna kasi nakarating sa amin sa bus terminal si jey at si jin.7:55 ako nakarating ng bus terminal and then after 20 mins. dumating naman si jayson habang nasa convinience store naman ako at si jin,at binabantayan naman ni jey ang aming maga dala dalang mga sandata.Pag kagaling namin ng convinience store,sumakay na kaming apat sa bus,habang nakasakay na kaming apat,naicipan ni jayson na mag withdraw muna ng pera,bumaba kaming dalawa at naghanap ng ATM,Pumunta kami ng BDO,(hindi kalayuan sa terminal) at sa hindi ko inaasahan,wala na pala yung ATM sa BDO.Tsk tsk tsk.May Nakita kaming 7-11,tumawid kami sa overpass,pumasok sa 7-11 bumili ng sandwich,snacks at siyempre hindi nawawala ang tubig.Swerte naman at sa loob ng 7-11 ay may Metrobank ATM,at last nakapagwithdraw din.
Habang nasa loob kami ng 7-11,nagttx c jey,(Umalis na yong bus pare) kala ko naman eh nagbibiro lng sya.Nagmadali kami ni jayson sa 7-11,dahil pagtingin ko,wala na nga ung bus.Naglalakad kami ng may kasamang pagtakbo.First time daw tumawid ni jAyson sa bawal tumawid,haha.(best first time ko tong ginawa,natawa ako.)Pagdating namin ni Jayson sa terminal,wala na nga ung bus.(umalis na ung bus nyo!!) Sambit ng mamang conductor,sarap suntukin,hindi man lang kami niradyo.
Sa sobrang excited namin,muntik pa kaming maiwan.Natakot kami ni jayson,kas iakala namin dumeretso na talaga ung bus.Dumeretso na nga,pero bumaba pala si jey at jin.Habang naglalakad kami ni jayson,Bigla ako hinila ni jin,sabi nya "diiiiittttooooo" nahiya naman kami ni jayson.Medyo natahimik ako kasi nahihiya nga ako sa nangyari.Bumalik kami ulit ng terminal at nagpanibagong sakay,at dun pa kami napapuwesto sa pinaka dulo."ayan dito tuloy tayo napunta sa dulo! kasalan nyong dalawa! pabirong sabi ni jin.Habang nakaupona kami,ayon kulitan,kwentuhan ng kung ano ano.
11:51 nakarating kami ng Quezon(sa aming munting tahanan).Pagkadating namin sa bahay,pahinga kami ng konti sa aming terrace,at sinalubong naman kami ng aking pinakamamahal at nag iisang reyna ng aming tahanan "ang aking inay" at pinakilala ko na din kaagad ang aking mga kasama sa aking mga magulang.Nakita na din nila ang aking ama na hind i na nakarecover sa knyang pagkaka aksidente noong ika dalawampu't apat ng gabi ng disyembre,taong Dalawang libo't walo.
Pagkatapos ko silang ipakilala,naghain na ng pagkain ang aking ina,at sabay sabay kaming kumain.Habang kumakain kami,kwentuhan na naman ng kung ano ano,at mga iteniraries.1:20 tumulak na kami papunta sa aming unang pupuntahan"UGO Bigyan Potters Garden".Lulan kami ng aming tora-tora kung tawagin at sa visaya naman ay haba-habal naman.Ang aking panagalawang kapatid ang nagmamaneho,habang nakatayo naman sa likod si jey,jin at jayson pati na rin ang aking ina at ang aking bunsong kapatid at mga pinsan habang ako naman ay nakaupo sa unahan.Pagdating namin kay UGO Bigyan Potters Garden.Nahihiya pa kaming pumasok,"hinanap pa ng inay ang asawa ng kanyang pamangkin na sya namang secreatary sa lugar na iyon at nandun naman sya.
Noong makapasok kami sa loob ng potters garden ay sari sari ang aming nakita.Sa unang pagkakataon nakapasok din ako sa lugar na iyon.Picture dito,picture doon.Sa una ding pagkakataon ay nakasama namin sa picture ang may ari ng Potters Garden na si Ugo Bigyan.
Pagkatapos namin sa Potters Garden ay nagtungo naman kami sa ilog "Lagaslasan River" dalawang oras at kalahati din kaming nagbabad sa ilog,picture uit dito picture doon.Kwentuhan na naman kami ng kung ano-ano habang nakababad kami sa tubig.
Habang pauwi na kami,hindi namin inaasahan ang pangyayari.Nawalan ng gasolina ang aminng sinasakyang tora-tora.Nagtulak kami,hanggang sa makarating ng bahay.