Friday, August 5, 2011

Pamimigay ng Sapatos sa mga Batang Dukha

Bawat kalahok dito ay may kauuulang babayaran at depende sa layo ng tatakbuhin at ang bawat kita dito ay napupunta sa mga batang mahihirap na hindi makabili at walang sapatos katulad ni Obet.

PUNO NA ANG BAGGAGE

Hindi kami magkamayaw kung saan namin isisiksik ang aming mga dala-dalahang gamit,late na kc kami nakadating,punong opuno na kaagad ang mga baggage counters,ung ibang gamit,sumayad na sa lupa at yong iba naman ay basta na lang isinabit sa tent ng pawang mga walang pahintulot ng kinauukulan kaya naman nag desisyon  kami na bitbitin na lang ang aming mga gamit.

5 K Finish Line

Hindi ko iniinda ang nagngangalit ng panahon kahit umabot paa ko ng mahigit isang oras na nananakbo,makamit lang ang 5 kilometro.

Wednesday, June 29, 2011

Milo Registration

Ikalawa na naming paglahok sa 35th National Milo Marathon kaya naman daglian kaming nagparehistro ng aking kaibigan na si Jey.Gabi pa lang ay alanganin na ang aming desisiyon kung tutuloy ba kami o hindi.(May bagyo kasi nung mga araw na iyon.)At kinabukasan pagkagising ko ay agad kong tinawagan si jey kung tutuloy ba kami o hindi..tuloy daw naman sabi nya.Agad akong naligo nagbihis at tumulak na papuntang MOA.Pagkadating ko ng Moa ay agad din naman kaming nagkita.Dumeretso kaagad sa Toby's Sports Upang magparehistro subalit meron palang nakatakdang oras ang pagpaparehistro.12pm-9pm.Umupo muna kami habang naghihintay ng oras.Habang naghihintay kami ay katext naman ni Jey ang kanyang dating workmate at napagkasunduan naman nila na magkita din nung araw din na iyon.Hanggang sa namet ko din ang kanyang workmate at ngaun ay tropa na din namin.At ng magkita kita nga kaming tatlo ay nagtungo naman kami sa isang fastfood para mag lunch at para na din magkwentuhan.Pagkatpos nami maglunch ay muli kaming nagtungo sa Milo Registration Booth.Sablay ang pagpunta namin,wala na daw kasing available na bib number for 5k run.Humingi na lang kami ng application forms at ibinigay ko na lang ang number ko para sa inpornasyon.Agad din kaming nagtungo as aking tinitirahang dormitoryo upang maginuman.Abanagan ang susunod pang mga detalye.....

Thursday, June 23, 2011

Eanchanted kingdom

Nag enjoy sa enchanted kingdom kasama ang aking mga kasambahay na itinuturing kong ikalawang pamilya at ikalawang tahanan at aking kaibigang si jey.Hindi matatawaran at mapalitan ang kasiyanng bawat isa sa amin.Bow....

Thursday, April 28, 2011

Dormitory

Anim na araw na ang nakararaan matapos ang aking paglipat dito sa bagong dormitoryo.Sobrang naeenjoy ko ang aking pamamalagi dito sa lugar na ito.Hindi na iba sa kanila kung itrato nila ako,para na nila akong pinakanakababatang kapatid,puro professional silang lahat.Karamihan sa kanila ay sa office din nagtatrabaho at ung iba naman ay sa hospital.Mayroon kaming itinuturing na nanay sa lugar na iyon (land lady) at meron din  akong mga ate at mga kuya at para ko  na silang mga kapatid.Bawat buwan ay mayroon kaming birthday ceelbrant at

Monday, April 25, 2011

Paglilipat ng Tirahan

Malayo pa lang ang nakatakdang araw para sa aking paglilipat ay sinabihan ko na kaagad ang aking napakabait na kaibigang si jey para tumulong sa pag ta transfer ko ng mga gamit ko sa aking lilipatang bahay.April 23 ay nagkita kami sa SM North at agad kaming nagtungo sa No. 28 Barimbao,Tandang Sora Quezon City para hakutin na lahat ng aking mga gamit.Pagkadating sa bahay ay kumain,nag online saglit at agad din kaming umalis.Bitbit ko ang dalawang bag at bitbit naman ni jey ang dalawa ko pang bag.Habang naglalakbay ay panay ang masid at tanong ni jey si akin kung anung lugar ire,ito,ect.Nalilito daw kasi sya.Pagkababa ng quiapo ay sumakay pa ulit kami ng isang jeep para marating namin ang aking lilipatan.(Manong bayad po pedro gil,dalawa) pagkakababa namin  ng Pedro gil,tumawid ng Lrt,naglakad ng konti at narating na din namin ang aking lilipatan.Pagkatok ay ko sa bahay ay agad namang lumabas ang may ari ng Dormitoryo at agad ipinalagay ang aking maga gamit sa kwarto.Nag usap lang kami sandali at agad din umalis para bumalik sa Tandang sora para sa pangalawang hakot ng aking mga gamit.Byahe na naman ng almost 1 hour at pag kadating ay daglian din na umalis hila hila ang isang malaking maleta at isang malaking bag naman kay jey.Nagtaxi na kami pabalik ng Dormitoryo sa kadahilanang hndi na namin kayang magjeep kahit nung mga araw na iyon ay tipid na tipid ako,salamat jey sa ibang mga treat mo,napal\kalaki ng utang na loob ko sayo! Pagkadating muli namin sa dormitoryo ay napagkasunduan namin na magtanghalian muna at nagtungo kami sa aming paboritong Mang Inasal.Pagkatapos namin kumain ay dumeretcho kami ng Robinson upang magwaldas si Jey ng halagang 1k para bumili ng kanyang shorts at shirts.(Wala na daw kasi siyang nabibili para sa sarili nya).At sa puntong yon ay wala naman siyang nagustuhan kaya napagkasunduan naman na pumunta na lang ng 168 shopping mall at doon sya nakabili ng mga shorts at may bag pa siyang nabili (North Face bag).Pagkatapos ng 168 ay umuwi na din kami,hinatid ko saiya sa sakayan at umuwi na din kaagad ako ng dorm para naman ikamada ang aking mga gamit.Lubos na nag papasalamat: XT

Wednesday, April 13, 2011

Triangle House

Isang buwan na ang nakakalipas ng aking pamamalagi na tatawagin ko na lang na triagle house,sa aking pamamalagi sa lugar na iyon ay marami akong nakilala,tulad na lang ng isang Political analyst.Nakarating na din sa bahay na iyon ang aking kaibigan upang makita nya kung ano talagang kalagayan mayroon ako ngayon.Habang tumatagal ang aking pamamalagi sa bahay na iyon ay  unti unti kong nararamdam at napapansin kung anong ugali mayroon ang aking kasama sa bahay (pinsan ko sa side ng aking ina).Napaka balahura ng aking kasama.Nag lagay sya ng manok sa loob ng bahay,hndi ko alam kung anong utak meron ang pinsan kong iyon.Sinusout nya pati brief ko,pati mejas ko,super baho pa naman ng kanyang paa (amoy bulok na daga). Ang ayaw ko sa lahat eh yong pinapakialaman ang aking mga kagamitan at ang isa pa sa galoon sya nainum ng tubig hndi man lang gumamit ng baso,at eto pa ang mga upos ng sigarilyo dun nilalagay sa lababo at sa sahig!!!!. Napaka babaoy talaga,kaya ngayon naghahanap na ako ng aking bagong malilipatan.Pasensya na kayong lahat sa blog ko!!! Wala kasi akong mapagsabihan!!!!

Tuesday, February 8, 2011

Hanggang dito na lang nga ba???

Nasa Japan pa lang ang aming employer ay hndi na kami magkamayaw sa pag hihintay kung ano ang magiging desisyon sa aming pingtatrabahuhan dulot ng lumalalang paghina ng turista dito sa pilipinas sani ng mga nangyayaring iba't-ibang kaguluhan dito sa bansa.itutuloy

Saturday, January 22, 2011

Makaka-ahon pa ba sa kahirapan???

Sa sobrang hirap ng buhay,kanya kanyang diskarte ang  mga pilipino para lang kumita ng pera.....

Monday, January 10, 2011

Makalipas Ang Nagdaang Taon Ng Mga Tigre.

Makalipas ang nagdaang taon ng mga tigre,panibago na namang hamon sa aking buhay ang aking haharapin ngayong taon ng mga Kuneho.Marami ring magagandang nangyari sa aking buhay nitong nagdaang taon ng mga tigre.Mas lalo pa  akong nagkaroon ng pananaw sa aking buhay ng dahil sa aking mga kaibigan  bukod pa sa aking pamilya.Marami kasi akong nalaman at natutunan sa kanila.(Ewan ko lang kung may natutunan din sila s akin).Bahagi na sila ng buhay ko,bawat galaw at kilos ay ipinapaalam namin sa bawat isa.Higit pa sa magkakapatid ang aming turingan.Nakilala nila ang kaibigan ko ipinakilala din nila sa akin ang kanilang mga kaibigan.May problema man ako sa aking tatay ay pianapawi nila ang aking kalungkutan sa bawat oras na iniisip mo kung paano sya gagaling.(Hndi nila ito napapansin,sa pagkat nakilala nila akong masayahin na tao).itutuloy

Muling nagkita kita,makalipas ang ilang taon (Kamag aaral sa Mataas na Paaralan ng Lusacan)

Matagal tagal din ang panahon na aking iginugol para lang magkaron kami ng komunikasyaon sa bawat isa sa amin upang matuloy ang aming isasagawang muling pagkikita kita naming mga mag kakamag aral nitong nakalipas na ika 1 ng Enero taong 2011.Bago pa man ito maganap ay inisa isa ko silang hanapin at kausapin para malaman ang availability ng bawat isa sa amin.Karamihan kasisa amin  mag kakaklasi ay may mga kanya kanya ng trabaho at yong iba naman ay may pasok na kaagad sa kanilang trabaho.Sa puntong iyon ay naayos kodin  ang lahat at sa akin silang lahat nag aupdate kung sino sino na ang mga kompirmadong dadalo.Bawat isa sa amin ay may kanya kanyang suhestyon.Mag contribution,bring own foods at iseparate ang contribution para sa alak.Hindi rin madali para sa akin ang gaganapin na ito.(ako lang kasi ang inaasahan nila sa lahat lahat ng hakbang na dapat kong gawin at sumusunod naman sila sa bawat desisyon ko).Eenero 01, 2011 ay maaga akong nagising para sa preparasyon ng aming pagkikita -kitang muli.Namalengke ako kasama syempre ang aking nagpipitagang ilaw ng tahanan(ang aking pinakakamamahal at walang katulad na ina).Pag katapos makapamalengke ay umidlip ng 1ng oras.Pagkagising ko naman ay nakahanda na ang lahat ng aking mga inihandang pagkain para sa aking mga kakaklasi.(mabilis silang nakakapagluto).Agad akong naligo at pagkatapos maligo ay hindi na magkamayaw sa pagtetext.Panay ang text at tawag ng aking mga kakaklasi.Inayos ko kaagad ang pagdarausan ng aming pagkikita-kitang muli,inilibas ang videoke at inilagay ang cover ng lamesa.Pagkatapos kong maayos ang kobre de lamesa ay inuutos ko naman sa aking  kapatid na kuhanin na ang mag upuan ng may biglang dumating na isa sa aking mga clasmate at hinanap kaagad ako.Agad ko naman syang inentertain.Habang nag uusap kami ay niyaya nya ako na puntahan at sunduin ang isa pa naming clasmate at pumayag naman kaagad ako."Nay sunduin lang po namin ni christian si jun" paalam ng aking classMga mate.Nang papalabas na kami ng subdivision ay tiempo namang paparating na ang isang pulutong ng aming mga clasmates at hindi na kami natuloy.Agad na din kaming bumalik sa aming pagdarausan at ng makarating kaming lahat  doon ay kanya kanya ng kwento ng mga update sa mga buhay-buhay.At abala naman ako sa paghahanda ng iba pang mga pagkain..Matapos kong maihanada ang mga pagkain ay pumuwesto na  din ako sa aking upuan.Kwento dito kwento doon,tanong dito tanong doon hanbang patuloy naman sa pagdating ang iba.Agad ko ding binuksyan ang alak at sabik na sabik na silang maglaklak.Noong nasa kalagitnaan na ang laman ng bote ay naiicipan nilang patagayin ang isa sa aming classmate na hindi pala sanay mag inum.Pagkaabot ng tagay ay ininum nya ito at ibunuga.(ginawang pangmumog ang alak).Nagtawanan silang lahat.Yon ang part na hindi maka get over ang lahat. Kahit ako hindi din makalimot sa eksenang iyon.Habang nagaganap ang nasabing pagtitipon ay panay naman ang paputok ng kwitis ng mga classmates ko at may nagdala pa ng litson manok.Ganap na alas nuve ynmedia ng gabi ay biglang dumating ang nanay ng isa sa amin at sinusundona pala siya.Sa puntong iyon ay  ayaw pa niyang sumama pauwe at bigla na lamang itong umiyak.(nagiyakan at nagyakapan kaming lahat at pati yong nanay nya ay umiyak na din).Sa naganap na iyakan ay parte iyon ng kasiyahan at may halo din ng kalungkutan sa kadahilanang mawawalay sa kaagad sa sandaling panahon na kanyang  inilaan sa bawat isa sa amin.Tuloy pa rin ang kwentuhan,kantahan at inuman,syempre hindi mwawala ng pagpipicture.(ilan din kasi sa mga clasmate ko ay may dalang mga digicamera.Alas dose empunto ay nagkanya kanya na ng paalam ang mga binibini kong kamag aaral at hindi naman sila pinabayaan ng mga maginoong ko ding kamag aaral.Isa-isa silang inihatid sa kani-kanilang tahanan at mayroon pang nag joyride sa kabila na ang iba ay nakatagay na.(takot na takot ang aking ina,baka daw kasi maaksidente kasi mga nakaiinum na).Thank you naman kay god at ginabayan naman sila sa kanilang paguwi.Ng makabalik na ang lahat ng naghatid ay nagtuloy tuloy na kaming mga lalaki sa pag iinum.Kwentuhan na naman ng mga nakakatawang eksena at nakaraan noong mga estudyante pa kami.May kanya kanyang kwento ang bawat isa sa amin.Mayroong nahulog sa puno ng niyog,may umutot sa clas room at kung ano-ano pa.Sa kasarapan ng aming kwento ay hindi namin namalayan na wala na pala kaming inumin at agad namang bumunot si"Rolan" ng pera para bumili ng alak.Galante pala ito kapag nakainum na at ang pinabili ay 3 case na Pulang Kabayo.Natuwa naman ang lahat at makakapagbanlaw daw.Karamihan sa kanila ay mga walang trabaho,mayroon man eh hindi rin sapat ang kanilang mga kinikita.Habang papalapit na ang bukang liwayway ay kung ano-ano na ang naiisip ng bawat isa sa amin.May nagpapa conduct ng swimming,mayroon naman nag iinvite ng aatend ng birthday at may nag iinvite sa kasal.Pag sapit ng alas 5 ng umaga ay nag hiwahiwalay na kami at nag kanya kanya na namang suhestiyon sa susunod na pagtitipon-tipon.