Thursday, July 15, 2010

Ang Pagkikita ni Ms. Yanah at ni Mr. Xt

Bago pa man Mag June 25,ay nasabihan na ako ni jay at ni jin na  magkikita kita daw kami sa Robinsons Pioneer Edsa.Nagtanong ako sa kanila kung anong meron at bakit magkikita kita,sabi nila meron daw silang ibibigay sa akin.Pag ka out ko sa trabaho,natulog ako kaagad para nga maaga ako magicing,pero nag gSMS muna ako sa myx jj,at sumagot naman itong yanah ng "gud morning din!"Nireply ko naman siya,sabi ko "bakit gcing ka pa?" sabi nya "nasa gimikan pa ako".Ok hndi ko un pinancin.June 25, 9:00 am,gumicing,naligo,nagplantsa ng isusuout habang katext ko ang mga kumag na sinet up na pala ako.11:am na ako nakarating ng Robinson.Tinawagan ko kaagad si jay kung san sila.xt:"hello jay asan kau?" ,jay:"andito kami sa tapat ng max pare" at nagkita na nga kami,at nakaupo nga sila dun sa tapat ng max.Nakatayo ako sa harapan nilang dalawa,syempre tamang kulit ako."Anong meron pare bat pinapunta nyo ako dito?" tawa lng sila ng tawa ng hindi ko inaasahang ung katabi pala nilang babae na may chopstick sa ulo na naka salamin na may takip na dyaryo ang mukhaat my dala dalang bayong ay si Ms. Reanna Paguio Bautista pala,gulat na gulat ako,mga hayop talaga,sinet up ako,hindi talaga ako maka get over nung time na yun.At eto pa si MP naman ang sinunod nilang sinurpresa,pero hndi naman sa masyadong nagulat,tnt.Napagkasaunduan namin na sa Maxx na lng magtanghalian habang bitbit namin ang mga kalakal ni yantot.Umupo,namili ng kakainin,at awa ng diyos wala kaming napili.Naiisip ko na sa iba na lng kami kumainat isa isa kaming lumabas ng Maxx,hahahahaha...Nakakatawa talaga..isa isa kaming nagsipaglabasan.Matagal tagal tagal din kaming nakaupo sa maxx.Sa KFC kami bumagsak,ok naman,nabusog kaming lahat.Pagkatapos namin kumain.tamang kwentuhan ulit,habang hihintay ang lalaki sa buhay ni yanah,at dumating na nga siya,nalimutan ko yung panaglan,,hahaha.Picture taking ulit kami,syempre hndi yun mawawala.Pagkatapos nun ay nagpaalam na kami nba uwian na habang nasa loob kami ng mrt station eh nbigla naman nagtext si jason na papaunta na daw sya,panay ang silip namin kay yanah kung andun pa sila sa may labas ng rob.,para mameet nya naman si jason.Unang silip namin a,andun pa,panagalawa andun pa din,pangatlo andun pa din,pang apat wala na,kaya nagdesisyon na kami na itxt si mp para matawagan si yanah,at mnakontak na naman ni mp.Ng magkita kita kami nila jason ay agaran kaming bumaba ng mrt station pabalik sa rob at madali naman naming nakita muli si yanah at ayun nameet nya na si jason,hindi naman nameet ni  mp pero sya ang tumwag kay yana......Kwentuhan ulit,picture na naman.at pagkatapos ay nagpaalam na talaga ako na uuwi na at sumabay naman sa kin si jin,jay,at jey.

No comments:

Post a Comment