June 04, 2010,pag ka out ko sa work,n2log lng ako ng 3hours (3am-6am) gumising din ng 6am para magprepare.Naligo,nag ayos ng mga gamit ko at siyempre dinala ko ang aking red juice na hindi ko maintindihan ang lasa nun.At sa puntong yon,katext ko ang aking mga pinakamamahal na kaibigang sina jey,jin, at xiempre ang aking bestfriend na pasaway,si jayson.Exactly 7am umalis ako ng bahay,sumakay ng jeep,taft,paco,sta. ana(medyo traffic) weekend kasi,at bumaba ako ng taft avenue cor.pedrogil para sumakay ng lrt papuntang gil puyat station kung saan kami sasakay ng bus patungo sa aking bayang sinilangan.
Panay ang text nila kung nasan na daw ako,habang si jayson naman ay nasa taxi na ng mga oras na iyon. Nauna kasi nakarating sa amin sa bus terminal si jey at si jin.7:55 ako nakarating ng bus terminal and then after 20 mins. dumating naman si jayson habang nasa convinience store naman ako at si jin,at binabantayan naman ni jey ang aming maga dala dalang mga sandata.Pag kagaling namin ng convinience store,sumakay na kaming apat sa bus,habang nakasakay na kaming apat,naicipan ni jayson na mag withdraw muna ng pera,bumaba kaming dalawa at naghanap ng ATM,Pumunta kami ng BDO,(hindi kalayuan sa terminal) at sa hindi ko inaasahan,wala na pala yung ATM sa BDO.Tsk tsk tsk.May Nakita kaming 7-11,tumawid kami sa overpass,pumasok sa 7-11 bumili ng sandwich,snacks at siyempre hindi nawawala ang tubig.Swerte naman at sa loob ng 7-11 ay may Metrobank ATM,at last nakapagwithdraw din.
Habang nasa loob kami ng 7-11,nagttx c jey,(Umalis na yong bus pare) kala ko naman eh nagbibiro lng sya.Nagmadali kami ni jayson sa 7-11,dahil pagtingin ko,wala na nga ung bus.Naglalakad kami ng may kasamang pagtakbo.First time daw tumawid ni jAyson sa bawal tumawid,haha.(best first time ko tong ginawa,natawa ako.)Pagdating namin ni Jayson sa terminal,wala na nga ung bus.(umalis na ung bus nyo!!) Sambit ng mamang conductor,sarap suntukin,hindi man lang kami niradyo.
Sa sobrang excited namin,muntik pa kaming maiwan.Natakot kami ni jayson,kas iakala namin dumeretso na talaga ung bus.Dumeretso na nga,pero bumaba pala si jey at jin.Habang naglalakad kami ni jayson,Bigla ako hinila ni jin,sabi nya "diiiiittttooooo" nahiya naman kami ni jayson.Medyo natahimik ako kasi nahihiya nga ako sa nangyari.Bumalik kami ulit ng terminal at nagpanibagong sakay,at dun pa kami napapuwesto sa pinaka dulo."ayan dito tuloy tayo napunta sa dulo! kasalan nyong dalawa! pabirong sabi ni jin.Habang nakaupona kami,ayon kulitan,kwentuhan ng kung ano ano.
11:51 nakarating kami ng Quezon(sa aming munting tahanan).Pagkadating namin sa bahay,pahinga kami ng konti sa aming terrace,at sinalubong naman kami ng aking pinakamamahal at nag iisang reyna ng aming tahanan "ang aking inay" at pinakilala ko na din kaagad ang aking mga kasama sa aking mga magulang.Nakita na din nila ang aking ama na hind i na nakarecover sa knyang pagkaka aksidente noong ika dalawampu't apat ng gabi ng disyembre,taong Dalawang libo't walo.
Pagkatapos ko silang ipakilala,naghain na ng pagkain ang aking ina,at sabay sabay kaming kumain.Habang kumakain kami,kwentuhan na naman ng kung ano ano,at mga iteniraries.1:20 tumulak na kami papunta sa aming unang pupuntahan"UGO Bigyan Potters Garden".Lulan kami ng aming tora-tora kung tawagin at sa visaya naman ay haba-habal naman.Ang aking panagalawang kapatid ang nagmamaneho,habang nakatayo naman sa likod si jey,jin at jayson pati na rin ang aking ina at ang aking bunsong kapatid at mga pinsan habang ako naman ay nakaupo sa unahan.Pagdating namin kay UGO Bigyan Potters Garden.Nahihiya pa kaming pumasok,"hinanap pa ng inay ang asawa ng kanyang pamangkin na sya namang secreatary sa lugar na iyon at nandun naman sya.
Noong makapasok kami sa loob ng potters garden ay sari sari ang aming nakita.Sa unang pagkakataon nakapasok din ako sa lugar na iyon.Picture dito,picture doon.Sa una ding pagkakataon ay nakasama namin sa picture ang may ari ng Potters Garden na si Ugo Bigyan.
Pagkatapos namin sa Potters Garden ay nagtungo naman kami sa ilog "Lagaslasan River" dalawang oras at kalahati din kaming nagbabad sa ilog,picture uit dito picture doon.Kwentuhan na naman kami ng kung ano-ano habang nakababad kami sa tubig.
Habang pauwi na kami,hindi namin inaasahan ang pangyayari.Nawalan ng gasolina ang aminng sinasakyang tora-tora.Nagtulak kami,hanggang sa makarating ng bahay.
No comments:
Post a Comment