Wednesday, June 23, 2010

June 05, 2010 (Kamay ni Jesus Lucban Quezon)

Bago kami matulog,napag usapan namin na 6 oclock kami gigicing para nga sa pagpunta sa lucban.Napasarap ang aming tulog,kasi anong oras na din kasi kami nakatuog,kakawento ng mga kung ano anong mga bagay na nakakatawa.Alas siyete na kami nagising,Naghanda si nanay ng almusal,kumain,uminom ng kape at saby sabay na kaming naligo sa aming poso.
Pagkatapos maligo syempre sabay sabay din kami nagbihis,inayos ko pa ang buhok ng malanding jay,hndi marunong maglagay ng wax sa sarili nyang buhok,tnt!!!Noong nakabihis na kaming lahat,syempre sabay saby din kaming nagsapatos at sa mga puntong yon,pinahiram ko ng sapatos si jay,tnt natanggal ang swelas,haha...Pinahiram naman sya ng aking kapatid,wow parang maglalaro lng sa liga ng basketball,habang abala sa pagsasapatos ang laht,eh panay nman ang kulit ng aking bunsong kapatid na si "utoy" bunso kasi sya kaya utoy.
Ayon 8:30 na kami nakaalis ng bahay,sumakay ng bus habang naglalakbay ay panay ang masid sa mga dinaraanan namin,syempre ako ganun din,hndi pa kc ako nakakrating ng lucban since birth.Bundok Banahaw,mga patay na ilog,yan ang mga natanaw namin habang kami ay naglalakbay papuntang lucban at syempre may halo pa din ng mga kakulitan namin,natural na sa amin ang aming kakulitan,hindi na un mawawala.
Pagkadating namin ng gulang-gulang,part na ito ng Lucena City,eh nagtanong-tanong kami kung san ba ang sakayan ng papuntang lucban,salamat naman at madali aga namin natunton ang terminal.Jeep ang sinakyan namin,papauntang Kamay ni Hesus,wala kasing fx or van sa luga na iyon.php 35.00 ang pamasahe,tsk..tsk..tsk...nagulat ako kasi ang mahal ng pamasahe,so it means malayo layo pa din ang aming lalakbayin.
At sa puntong iyon,punong puno na ang jip,kulang na lang sumabit na ung driver,hindi ako nakaupo ng maayos,salamat sa aking pinaka matalik na kaibigan at kinandong ako,tnt sa kandong,nangalay ako.Kumaliwa,kumanan,umahon,lumusong, yan ang way ng papuntang lucban.Malamig ang dinaraana,parang nasa tagaytay ang lamig.
At last nakarating din kami.Pag kababa namin ng jeep eh may sumalubong kaagad sa aming ale,inalok kaagad kami ng espasol at kandila,naawa naman ako,bumili na lng ako ng kandila at pinipilit nya kami bumili ng espasol habang nagtatanong kami ng lucban lonnganisa.Uminom ng coke sakto,pahinga ng konti,then pumasok na kami sa Kamay ni Hesus Church.
Nagpicture taking kaagad,at ng di inaasahan biglang bumuhus ang ulan,pero sabi ko sa kanila blessings un at tumigil din naman kaagad.Sarado pa ang Eden Garden,pero 30 mins pa daw after b4 bubuksan,sambit ng napagtanungan naming gwardya.Picture dito picture doon,ikot dito ikot doon,kanya kanyang pose ng pagpapacture.Ayon Binuksan na ang eden garden,at agad namin kaming nagsipasok duon,nagtulos ng kandila at nanalangin.
Umakyat na kami at syempre lahat ng magagandang views doon ay hindi namin pinaligtas.Solo,dalawan tatluhan.Hindi namin magawa ang lahatang pagpapalitrato.Salamat sa nakilala naming mag mommy at nagvolunteer sila na picturan daw kami,ayon feeling close kami,kwentuhan,tanungan kung san mga lupalop nanggaling.
Nang makarating kami sa pinaka tuktok ng Eden Garden,lalo kaming natuwa,kc sobrang ganda talaga ng tanawin at nakita namin ng malapitan ang pangatlo sa pinaka malaking rebulto sa buong mundo.Tnt sa mag mommy,panay ang pashot at ganun din naman kami.Bumaba na kami ng eden garden,at habang bumababa na kami picture pa din...Hindi ko alm na binibilang na pala ng aking matalik ng kaibigan ang mga hagdanan kung ilang baytang nga ba ang mga ito....Ang taas pala 288 baytang.Pagkalabas namin ng church ay namili naman kami ng mga pasalubong,lucban longganisa,pancit hab-hab atbp...
Biglang bumuhuos ang napakalakas na ulan,mabuti na lng at nakasakay na kami ng jeep.Napansin namin na butas pala ang bubong ng jeep,sobra kaming tawa ng tawa kasi pikon na si manong,natutuluan kasi sya.Nakarating din sa sakayan ng bus pauwi sa bahay habang bitbit namin ang mag binili naming pasalubong.Sumakay na kami ng bus,(manong baya oh 4 ho,estudyante) hehe tnt sa estudyante at un nga ang binigay na tiket ni manong,nakadiskwento kami,habang naglalakbay pauwi,bumili kami ng  espasol at tubig,syempre kwentuhan na naman ng mga masasayang ala-ala.Alas Alas 3 na kami nakarating ng bahay.
Dali dali kaming pinaghain ni nanay,at dali dali din naman kaming kumaen.Nagpalit kaagad kami ng damit at tumulak na papuntang "White House" or known as pulang lupa...Naglakad kami papuntang white house in just 20 mins nakarating na kami kaagad,malapit lng kc.Tiningnan ang mgagandang views,at syempre picture taking ulit.Pagkatapos namin sa white house ay tumulak naman kami sa aming pinaka bayan ang bayan ng "Tiaong" Nilibot namin ito at doon ko itinuro sa kanila ang Bahay ni Dona Tating.Pagkatapos ng mga sandaling iyon ay tumulak na kami pauwi pero naisipan kong dumaan sa mga ninuno ng aking ina kung saan siya pinanganak at lumaki.Nadatnan namin doon ang kanyang bunsong kapatid at tiya at agad naman kaming pinaghanda ng meryenda (pop cola at biscuit). Kumustahan at kwentuhan sandali kami ng aking tiyo.Pagkatapos namin magmeryenda ay daglian na kaming umuwi dahil na rinsa sobrang pagod namin.

No comments:

Post a Comment