Wednesday, June 29, 2011

Milo Registration

Ikalawa na naming paglahok sa 35th National Milo Marathon kaya naman daglian kaming nagparehistro ng aking kaibigan na si Jey.Gabi pa lang ay alanganin na ang aming desisiyon kung tutuloy ba kami o hindi.(May bagyo kasi nung mga araw na iyon.)At kinabukasan pagkagising ko ay agad kong tinawagan si jey kung tutuloy ba kami o hindi..tuloy daw naman sabi nya.Agad akong naligo nagbihis at tumulak na papuntang MOA.Pagkadating ko ng Moa ay agad din naman kaming nagkita.Dumeretso kaagad sa Toby's Sports Upang magparehistro subalit meron palang nakatakdang oras ang pagpaparehistro.12pm-9pm.Umupo muna kami habang naghihintay ng oras.Habang naghihintay kami ay katext naman ni Jey ang kanyang dating workmate at napagkasunduan naman nila na magkita din nung araw din na iyon.Hanggang sa namet ko din ang kanyang workmate at ngaun ay tropa na din namin.At ng magkita kita nga kaming tatlo ay nagtungo naman kami sa isang fastfood para mag lunch at para na din magkwentuhan.Pagkatpos nami maglunch ay muli kaming nagtungo sa Milo Registration Booth.Sablay ang pagpunta namin,wala na daw kasing available na bib number for 5k run.Humingi na lang kami ng application forms at ibinigay ko na lang ang number ko para sa inpornasyon.Agad din kaming nagtungo as aking tinitirahang dormitoryo upang maginuman.Abanagan ang susunod pang mga detalye.....

No comments:

Post a Comment