Monday, January 10, 2011
Makalipas Ang Nagdaang Taon Ng Mga Tigre.
Makalipas ang nagdaang taon ng mga tigre,panibago na namang hamon sa aking buhay ang aking haharapin ngayong taon ng mga Kuneho.Marami ring magagandang nangyari sa aking buhay nitong nagdaang taon ng mga tigre.Mas lalo pa akong nagkaroon ng pananaw sa aking buhay ng dahil sa aking mga kaibigan bukod pa sa aking pamilya.Marami kasi akong nalaman at natutunan sa kanila.(Ewan ko lang kung may natutunan din sila s akin).Bahagi na sila ng buhay ko,bawat galaw at kilos ay ipinapaalam namin sa bawat isa.Higit pa sa magkakapatid ang aming turingan.Nakilala nila ang kaibigan ko ipinakilala din nila sa akin ang kanilang mga kaibigan.May problema man ako sa aking tatay ay pianapawi nila ang aking kalungkutan sa bawat oras na iniisip mo kung paano sya gagaling.(Hndi nila ito napapansin,sa pagkat nakilala nila akong masayahin na tao).itutuloy
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
sana gumaling na si ama kaagad...
ReplyDeletethank you paRE...
ReplyDeletesana maging ok na ang lahat!
ReplyDelete