Wednesday, December 1, 2010

SENTIMENTAL VALUE

Tayong mga pinoy ay sadyang mapagpahalaga sa mga bagay-bagay na ating natatanggap.Lalo pa kung ang isang bagay ay galing sa ating mahal sa buhay.Hindi natin ito ipinagpapalitsa magkano mang halaga.Ito ang tinatawag na sentimental value.Marami ang nagtataka kung bakit tayong mga pilipino'y kapag bumili ng isang bagay,halimbawa ay cellular phone,ang pinaglumaang cellular phone ay hindi naman itinatapon o ipinamimigay.Sa halip na kahit wala maliit lang ang isang bagay,ay nagagawan pa rin natin ng paraan para muling magamit sa halip idispatsa.Kapag bumili ng bagong sapatos,ang pinaglumaan ay hindi magawang itapon.Kahit wala na itong swelas ay pilit parin ginagawan ng paraan para lang maisuot ito.Ang singsing na binigay ng ating kapartner sa buhay,hinding hindi natin ito hinuhubad saan man tayo magpunta.Magkaroon man ito ng diprensiya at sabihing hubarin pansamantala upang ipagawa ay hindi payag ang ating kapartner upang hubarin ito.Katwiran para na ring binalewala ang taong nagbigay sayo sa sandaling hinubad mo ito.Maging sa mga magnobyo pa lamang ,maraming bagay ang pinapahalagahan.Ang damit na galing sa nobyo/nobya ay hinding hindi papayag na ipahiram kahit sa kanyang kapatid.Magkasamaan man ng loob ang magkapatid pero ganito tayo kung magphalagasa mga bagay na may sentimental value.Pero sa mga matagal ng nagsasama ,masasabi ba nating mayroon pa silang sentimental value?Maaari noong unang panahon,kapanahunan pa ng ating mga ninuno.Pero sa trend ngayon,mukahang nawawala na rin ang pagpapahalaga natin na tinatawag na sentimental value.Nagagawa ng isanlaang sing sing na tanda ng pag-iisang dibdib.Ang mga kagamitang ipinundar ay naibabanta na rin.Dahil sa kahirapan at kakapusan sa pinansyal na bagay.Kahit ang mga punong itinanim ng ating lolo sa talampakan ,pinuputol na matayuan lamang o mapalawak lang ang bahay sa isang lote.Nagiging praktikal na tayo,hindi na uso ang sentimental value.

2 comments:

  1. Sentimental value is still in practice even the advent of a new trends. We might not notice that we still have some things, place or person that has sentimental value to us.

    ReplyDelete
  2. either a thing, place or person that is closely associated with our past experience has a sentimental value.
    Sentimental value thus pertains to something that elicit sentimentality, emotional reaction, tender feeling or sweet nostalgia or even compassion, bitterness, pathos and weepiness that associated with our past experiences.

    ReplyDelete