Monday, November 22, 2010

biglaan at nagulat

Umagang umaga...bigla akong nagsing sa katok sa bintana hindi sa pinto,at pagbukas ko ay si michelle pala,ang aking kaibigan.Agad nya akong pinaligo para pumunta sa JERUSALEM isang Arabic Restaurant kung saan naghihintay pala dun ang mommy at daddy niya na kadarating pa lamang galing bangsang ISRAEL,ilang araw para lang imeet ako.Walking distance lang ang nasabing restaurant malapit sa aking tinutuluyan.Agad akong naligo at nagbihis...matapos ang ilang minuto ay tumulak na kaagad ako sa nasabing Arabic Restaurant.Pagkadating ko doon ay bigla akong kinabahan sa kadahilanang sa unang pagkakataon ko pa lang mamimeet ang kanyang mommy at daddy.Pagpasok ko ng nasabing restaurant ay agad akong bumati sa kanila xt: "hello po,musta po?" mommy sandra: ok lang,bakit hndi ka pumunta sa bataan noong party? xt: ah..bc po kc ako masyado,pacensya na po..sa despidida na lang po ninyo ako pupunta."Hndi ko makausap ang daddy nya,hindi ka ako marunong mag hebrew at isa pa nag eenjoy ito sa paghithit buga ng "SISHA"at sa puntong un the waitress gave me the menu for my order,at agad naman akong umorder ng "QURMA" isa sa mga paborito kong  arabic food.Pagkatapos namin kumain ay daglian din akong nadpaalam sa kanila para umuwi at kunin ang aking gamit papunta ng BUREAU of CUSTOMS (nagtetraining ulit kasi ako 3times a week) para malaman ko ang mga pagbabago sa BOC simula ng umupo ang panlabing limang presindente g pilipinas.

No comments:

Post a Comment